Lady Spikers clobber UP. Clinches twice-to-beat edge

Lady Spikers

Nakamit ng De La Salle Lady Spikers ang panalo sa 3-setter na laban kontra UP Lady Maroons. 25-15, 25-14, 25-13. Bunsod nito, nakamit ng Lady Spikers ang unang pwesto sa torneo at ang twice-to-beat advantage sa Final 4.

Nanguna para sa nasabing panalo si Abi Marano na may 13 puntos, 10 mula sa hits, 2 blocks at 1 service ace.

Sa kabila ng pagbigay ng mga puntos sa kanilang koponan, hindi naging sapat ang ipinamalas ng Lady Maroons dahil sa block at depensa ng La Salle upang ipanalo ang laban.


Haharapin ng  Lady Spikers ang Ateneo sa darating na Sabado.

Subscribe to the latest posts via E-Mail